Hindi ko mawari kung ano nga ba talaga ang aking saloobin sa mga nangyayari ngayon. Napaka-simple lang naman talaga ang ninanais ko_ ang sumaya. Sabihin niyo mang "baduy" o gasgas na aking mga pinagsasabi, yun naman talaga ninanais ko. (taon na ang aking binilang) Ngunit sadyang napakahirap kamitin.
Pilit kong ikinukubli ang kalungkutan sa likod ng aking masiyahing mukha (lagi nalang bang ganito?) Paminsan minsan aking napapansin sa bawat pagdaan ng araw; unti-unti akong nilalamon ng aking kalungkutan na para bang wala ng pag-asang maka-kawala. At tila ba tinatahak ko ang daan patungo sa mundong walang saysay. Kinikimkim ang lahat ng sama ng loob na marahil sa isang pitik lamang, ako ay sasabog katulad ng isang bulkan. At hangga't maaari iniiwasan ko ang mag-bulalas ng saloobin dahil alam kong matatalim na salita ang marinig mula sa aking bibig.
....... Alam kong ito ay isa lamang sa mga mapapait na pagsubok mula sa "itaas". Hindi man agaran ang pagpawi sa aking kalungkutan. Nakakasiguro akong ito ay aking malalampasan.

"Walang madali sa mundo"